Municipal agriculturist, patay sa aksidente

33

Zamboanga Del Sur – Patay ang isang municipal agriculturist sa bayan ng Pitogo, Zamboanga Del Sur matapos sumabog ang gulong sa minamaneho nitong motorsiklo sa purok Paradise, Poblacion, Pitogo pasado alas 7 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Roque Langam, 57 anyos, residente sa naturang lugar, nalaman sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na ang biktima matapos nakipag-inuman bilang bahagi ng kanilang selebrasyon na 39th araw ng Pitogo.

Sa kasagsagan ng kanyang biyahe, biglang sumabog ang gulong ng motorsiko at tumilapon ang biktima sa gilid nga kalsada.

Kaagad na isinugod ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng matinding tinamong pinsala sa kanyang katawan.

Facebook Comments