Municipal Coucilor Arestado, mga kalibre ng baril nakumpiska

29

Bumulaga sa mga elemento ng CIDG ARMM ang ibat ibang kalibre ng baril sa ikinasang Search Warrant Operation laban sa isang Municipal Councilor pasado alas singko kahapon ng umaga sa Brgy. Mirab Upi Maguindanao.

Kabilang sa mga nakumpiska sa naging target ng operasyon na si Norodin Salik Musa, Councilor ng bayan ng Upi at Alimodin Musa Dalmabao, Ahod Salik Musa ang mga sumusunod:

1. One (1) Colt M16 rifle w/ SN. 1979325;
2. One (1) Arsmcore cal. 45 hi-cap w/ SN. 1345554;
3. One (1) Armscore cal. 45 hi-cap w/ SN. 1091362;
4.One (1) Colt MK IV standard w/SN. 213897;
6. Two (2) long mag. Assy. for m16;
7. Eight (8) short mag. Assy. for cal m16;
8. Five (5) mag. Assy. for cal 45 hi-cap;
9. One (1) mag. Assy. for cal 45 standard;
10. Assorted ammos

Isinagawa ang operasyon base na rin sa SW na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng RTC 12 Branch 13 at sa presensya ng mga opisyales ng Barangay kasama ang local PNP.

Sa impormasyong ipinarating ng mga otoridad, sinasabing matagal ng minamanmanan si Kagawad na posibleng protektor din ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar.

Kasalukyang nasa custody ng CIDG ang naarestong kagawad.

CIDG Pic

Facebook Comments