Camarines Sur – Dinakip ng mga pulis ang isang incumbent municipal councilor matapos na makuha sa pagiingat ng illegal na droga sa Lagonoy, Camarines Sur.
Sa ulat ng Police Regional Office 5 na nakarating sa camp crame, ang naarestong konsehal ay si Randy Texon, residente ng Brgy. San Isidro Norte , Camarines Sur at number 1 sa Municipal Drug list.
Alas-8 ng gabi kagabi nang maaresto si Texon sa kanyang bahay sa barangay San Isidro ng mga tauhan ng Lagonoy Municipal Police Station sa pamamagitan ng isang anti drug operation.
Ang anti-drug operation ay ikinasa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Manuel M. Rosales, Exec. Judge RTC Iriga City.
Nakuha sa pagiingat ng suspek ang 5 medium size at 14 na small size na heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng municipal police station habang inihahanda Ang kasong paglabag sa RA 9165.