Cauayan City – Nakahanda na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bayan ng Maconacon, Isabela sa posibleng maging epekto ng bagyong Marce.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Maconacon MDRRMO Officer Butch Bartolome, activated at nakahanda na ang lahat ng Rescue teams sa kanilang lugar katuwang ang iba pang ahensya katulad ng PNP, BFP, Philippine Coast Guard, at iba pa para sa posibleng paghagupit ng bagyong Marce.
Aniya, tuluy-tuloy din ang kanilang pagbibigay ng advisories at alerts kaugnay sa bagyo sa pamamagitan ng SMS, Social Media, community speakers.
Maliban dito, nakahanda na rin ang 21 evacuation centers sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Maconacon para sa mga residenteng nasa mababang lugar at mga nakatira malapit sa baybayin na sumailalim sa pre-emptive evacuation.
Nakikiusap naman si MDRRMO Officer Bartolome sa lahat ng residente ng bayan ng Maconacon na maging alerto, handa, at makinig sa mga abiso at paalala ng kinauukulan upang maging ligtas ngayong panahon ng sakuna.