CALASIAO, PANGASINAN – Nakasailalim ngayon sa lockdown ang municipal government offices ng Calasiao matapos magpositibo sa COVID-19 ang 26 na empleyado nito sa isinagawang rapid-antigen test.
Dahil dito lahat ng opisina ay pansamantalang sarado at suspendido ang lahat ng transaksyon.
Sa inilabas na Executive Order No. 6, magtatagal ang lockdown hanggang sa ika-21 ng Enero o hanggang biyernes dahil sa isasagawang disinfection at contact tracing.
Samantala ang MDRRMO, POSO, MENRO, MBC at market officers ay magpapatuloy ang kanilang normal na operasyon bilang sila ay kabilang sa frontline at emergency providers.
Ang bayan ang ikalawa sa listahan ng Provincial health watchlist na may mataas na bilang ng aktibong kaso na umabot na sa 117. | ifmnews
Facebook Comments