Pormal nang pinasinayaan sa publiko ang Municipal Hall Atrium ng Lingayen kasabay ng pagdiriwang ng Bagoong festival ng bayan.
Sa pamamagitan nito ay makatutulong sa pagbibigay ng mas mainam na serbisyo sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko ang pagpapalawak pa ng mga pasilidad ng munisipyo.
Makatutulong din umano ito upang mapabilis ang transaksyon at pagkuha ng mga dokumento.
Maliban dito, mas magiging maayos at komportable ang publiko sa pagbisita sa nasabing pasilidad dahil ito ay mayroong elevator. Samantala, ang ginamit na Pondo sa pagpapatayo ng pasilidad ay mula sa Pondo ng LGU. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments