MUNICIPAL HALL BUILDING, AGRICULTURE OFFICE AT RHU MAPANDAN,ISINARA PARA IDAAN SA DISINFECTION DAHIL ISANG NAGPOSITIBONG EMPLEYADO

MAPANDAN, PANGASINAN – Pansamantala namang isasara ang Municipal Hall Building, Municipal Agriculture Office at Rural Health Center sa bayan ng Mapandan upang idaan sa disinfection at sanitation ang buong lugar para masiguro umano ang kaligtasan ng publiko kaugnay sa kinakaharap na pandemya.

Kaugnay pa nito ay suspendido muna ang biometrics sa lahat ng empleyado ng munisipyo hanggang sa muling ipag utos.

Nagsimula ang pagsasara ng mga nabanggit na opisina simula kahapon August 9 na magtatagal naman hanggang August 12, 2021.


Ang pagsasara nito ay dahil sa isang empleyado na nagpositibo sa Antigen Test at kung saan ang mga katrabaho nito ay mandatoryo ding dadaan sa naturang test na sa ngayon ay hinihintay pa ang mga resulta nito.

Facebook Comments