Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Laoac, Pangasinan ang nilagdaan ng alkalde ng bayan na Executive Order no. 13 series of 2021 o ang pagsasara sa lahat ng mga tanggapan ng Municipal Hall ng limang araw simula July 5-9, 2021 matapos magpositibo ang siyam na empleyado nito.
Inanusyo ang naturang pagsasara ng munisipyo para bigyang daan ang massive decontamination at disinfection upang linisin ang tanggapan.
Magpupulong naman ang mga kawani ng LGU para sa mga hakbang na maaaring gawin habang sarado ang opisina.
Isasagawa din ang mass testing sa mga empleyado nito sa RT-PCR Test para malaman kung may nahawaan pa ang mga nagpositibo sa virus.
Samantala, patuloy naman sa paghikayat at pagpapaalala ang mga awtoridad sa mga mamamayan ng Laoac na sundin lamang ang mga health and safety protocols kontra COVID-19.