CALASIAO, PANGASINAN – Nangangamba naman ang pamunuan ng Municipal Health Office ng Calasiao dahil sa nakitaan ng pagtaas ang kaso ng leptospirosis, diarrhea at mga waterborne diseases sa naturang bayan dahil sa ito ay isa sa mga lubos na naapektuhan ng pagbaha sa nagdaang bagyong Maring at pag apaw ng Marusay at Sinucalan River.
Ang pagkakaroon umano ng mga water borne diseases ayon sa MHO ay hindi maiiwasan sa panahon ng tag ulan at ng pagbaha dahil sa marami ang napipilitang lumusong dito magin ang mga bata na ginagawang paliguan ang tubig baha.
Kaugnay naman nito ay pinaalalahan naman ng DOH CHD1 ang mga magulang ng mga bata mula sa lugar na malimit na binabaha na huwag hayaang nagbababad ang mga ito sa tubig baha dahil sa maaaring makuha ang sakit na tulad ng leptospirosis.###