Municipal mayors, pinagpawisan ng malamig matapos magbanta ang Pangulo na pangalanan ang ilang mayors na nasa kanyang drug list sa kanilang pagtitipon

23

Manila, Philippines –  Tila kinabahan ang mga dumalo sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) General Assembly matapos ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang makapal na listahan ng mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

 

Sa kalagitnaan kasi ng talumpati ng Pangulo sa general assembly ng LMP sa Manila Hotel kagabi ay ipinakita ng Pangulo ang kanyang listahan at nagbanta na magbabanggit ng pangalan ng mayor na sangkot sa droga na possible namang nasa naturang pagtitipon.

 

Pero nakahinga at nagtawanan nalang ang mga dumalong mayors matapos sabihin ng Pangulo na hindi na siya magtatawag ng pangalan.

 

Pero binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati ang kanyang pagsusulong sa war on drugs at ang masamang epekto nito sa mga kabataan.

Facebook Comments