MUNICIPAL NUTRITION ACTION OFFICE NG CALASIAO, NAGTUNGO SA MGA BARANGAY UPANG MAGBIGAY SERBISYO SA MGA BATANG UNDERNOURISHED

CALASIAO, PANGASINAN – Nagpunta sa apat na barangay ang Municipal Nutrition Action Office ng bayan ng Calasiao kasama ang Barangay Nutrition Scholars upang personal na mai-abot ang mga programang hatid sa mga undernourished na mga bata edad limang taon pababa at mga buntis na isang buwan hanggang anim na buwan.

Kabilang sa mga barangay na ito ay ang San Vicente, Lasip, Poblacion East at Poblacion West. Ang programang ito ay taunang inihahatid ang serbisyo sa nutrisyon ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng mga multivitamins, vegetable seeds, face mask at mga IEC materials para sa mga underweight habang itlog, vegetable seeds at mga IEC materials naman sa mga buntis.


Mababatid na patuloy na minomonitor ng DOH Center for Health Office Region 1 na bumababa na ang bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon kaya ganoon din ang panawagan ng Municipal Nutrition Council sa bawat mamamayan.

Facebook Comments