Magbubukas ang Municipal Treasury Office ng Mapandan ng booth sa New Mapandan Public Cemetery sa Nobyembre 1, 2025 bilang bahagi ng paghahanda para sa Undas.
Layunin ng inisyatibang ito na tumanggap ng renewal ng old cemetery payments at iba pang kaugnay na bayarin upang hindi na kailangang pumunta sa munisipyo ang mga nais magbayad.
Ang pagbubukas ng booth ay para mapadali ang mga transaksyon at maiwasan ang abala sa mga residente.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na samantalahin ang serbisyong ito upang mapanatiling maayos ang rekord ng mga bayad sa sementeryo.
Bukas ang booth mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa nasabing petsa.
Facebook Comments









