Magdadalawang linggo ng nasa evacuation center ang mahigit sa dalawang daang pamilya na apektado ng focus military operation ng Joint Tasl Force Central laban sa mga tinutugis na grupo ng Dawlah Islamiyah at BIFF sa hangganan ng bayan ng Ampatuan at Datu Hoffer partikular sa barangay Salman,Saniag at Tuayan.
Ayon sa Municipal Information Officer ng Ampatuan Maguindanao na si Pendatun Mangelna, nasa kanilang municipal covered court ang mahigit sa isang daang pamilya habang ang iba naman ay homebase dahil kanilang binabantayan ang naiwang alagang hayop at pananim.
Anya nakapagbigay narin ng tulong ang LGU at provincial government maging ang barangay sa mahigit pitong daang individual. Nakatutok naman si Ampatuan Mayor Leah Sangki sa kalagayan at sitwasyon ng mga bakwit kung saan masusing sinusuri ng IPHO worker.
Wala namang katiyakan kung kelan matatapos ang bakbakan o pagtugis ng military sa sa mga terrorist group sa boundary ng dalawang bayan sa lalawigan dahil tanging military lamang daw ang makakasagot kung kelan manumbalik sa normal ang pamumuhay ng mga taga barangay Salman at Saniag dagdag pa ni MIO Mangilna
Samantala muli namang mamahagi ng relief goods ang provincial government ng Maguindanao sa mga bakwit sa barangay Saniag Ampatuan, itoy makaraang matapos na ma-asses ang bilang ng mga IDP.s sa nasabing lugar ayon pa kay PDRRMO Nashrullah Baby Boy Imam.
Nais ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na matutkan ang kondisyon ng mga bakwit na apektado ng kaguluhan at mabigyan ng kaukulang tulong mula sa lalawigan dagda pa ni Action Man Imam.
Kaugnay nito inihayag naman ng PDRRMO na sapat pa ang mga relief items sa mga pamilyang naapektuhan ng tensyon.
Samantala nauna na ring nakapagdeklara ng State of Calamity ang bayan ng Ampatuan dahil sa kinakaharap na sitwasyon ng kanilang mga kababayan.(Mike Suan)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>