Muntikang Sunog sa Upper Session Road!

20

Baguio City, Philippines – Nagkaroon ng muntikang sunog sa Upper Session Road bandang alas kwatro ng hapon araw ng Huwebes, Abril 12 taong kasalukuyan.

Nagdulot ito ng kaunting pagsikip ng trapiko at pagpapanik ng mga tao. Agad naman rumispunde ang mga bombero at pulis.

Napag alamang galing sa gusali ng RCBC ang lumabas na usok. Wala namang naitalang nasaktan sa naturang insedente. Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang tunay na pangyayari at kung ano ang naging dahilan nito. Patuloy parin ang imbestigasyon ng mga pulis.

Facebook Comments