Muntilupa City Government, nagpatupad ng curfew hour habang umiiral ang GCQ

Nagpatupad ng curfew hour ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa habang umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, inaprubahan niya ang City Ordinance No. 2020-102 na nag-uutos sa pagpapatupad ng curfew hour sa kanyang lungsod simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

Aniya, ito ay ipinatutupad na simula pa kagabi, June 16, 2020.


Subalit aniya, ito ay exempted dito ang mga taong kabilang sa Authorized Person Outside the Residence (APOR).

Ang mga lalabag nito anya ay maaaring mag multa ng P500 para sa unang offense at P1000 para sa second offense at iblo-bloter ito sa barangay kung saan nakatira ang mga lumabag.

Unag nagkaroong ng curfew hour ang Muntinlupa City nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ at Modified ECQ sa buong Metro Manila ngunit ito ay mas mahabang oras kung saan nagsimula ito ng alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments