Munting premyo ng apat na nanalo ng “Wi-Fi Mo, Sagot ng DZXL Radyo Trabaho Promo,” ihahatid na ng LBMS team ngayong araw!

26

Apat na maswerteng listener ng DZXL Radyo Trabaho ang nanalo sa ating Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho promo.

Ngayong araw mismo dadalhin ng Laughter is the Best Magazine Show o LBMS anchors ang premyong prepaid home Wi-Fi sa kanilang mga bahay.


Una rito ay sina Jeff Regaldo ng Brgy. 73 ng Caloocan City at James Ryan Paloma ng Brgy. NBBS Kaunlaran Village sa Navotas City para sa Week 4 draw.

Sunod ay sina Celestine Canton ng Navotas City at June Santiago ng Barangay Balingasa, Quezon City para sa ating Week 5.

At dahil sa init ng inyong pagtanggap sa Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho promo, hindi dito nagtatapos ang ating promo dahil extended ito hanggang sa Disyembre.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, sumali na at tumawag lamang sa aming hotline 88822376 kapag narinig niyo na ang Radyo Trabaho jingle.




Maaari rin kayong sumali via online sa pamamagitan ng pag-like & share sa RMN DZXL 558 Manila Facebook page at mag-tag lamang sa comment section ng limang kaibigan para sa inyong raffle entry na siyang ida-draw tuwing Biyernes.

Manatili lamang nakatutok sa iba’t ibang programa ng DZXL Radyo Trabaho para sa updated news and current events gayundin ang entertainment tuwing sa weekend sa aming Laughter is the Best Magazine show tuwing alas-12:30 ng tanghali hanggang alas-2:00 ng hapon.

Facebook Comments