Hindi matatawaran ang kasiyahang dala ng isang simpleng ngiti, na kahit hindi mabibili ng salapi, ay nagiging sagisag ng pag-asa.
Sa isang video na ibinahagi ni Oscar Gironella sa Calasiao, Pangasinan, makikita ang paghahatid nila ng tulong. Sakay ng kanilang sasakyan, nagpaabot ito ng isang daang pisong halaga sa bawat madadaanang mga residenteng nakasuong sa baha sa mga lansangan.
Bagamat maliit na tulong lamang ang kanilang naibabahagi, naniniwala silang may malaking kahulugan ito. Ang bawat ngiti na kanilang natatanggap ay naging patunay na walang halaga ang pera kapag ikukumpara sa ligayang galing sa puso.
Sa isang post sa Facebook, ipinahayag ni Oscar ang kanyang paniniwala: “..even the small act of kindness can bring light.” Tunay nga na kahit gaano man kaliit ang isang kabutihang nagawa, sa iba, ito ay itinuturing itong biyaya lalo na sa ganitong panahon ng unos.
Bumabaha man sa lugar, hindi nito mapipigilan ang mga kamay na gustong magpasaya, kahit sa maliit na halaga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







