Muntinlupa CDRRMO, pansamatalang isasara matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong ambulance crew nito

Tigil-operasyon muna simula ngayong araw ang Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlo nitong ambulance crew.

Isasailalim din sa swab testing at isolation ang 26 pang personnel nito na nagkaroon ng close contact o na-expose sa tatlong pasyente.


Ayon kay Tez Navvaro ng Muntinlupa Public Information Office, layunin nito na maiwasan ang pagkalat ng virus at mapigilan ang paglala ng sitwasyon.

Samantala, pansamantalang ililipat sa mga barangay ang mga tawag hinggil sa paghahatid ng mga pasyente gamit ang ambulansya.

Facebook Comments