You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Muntinlupa City government, hinimok ang mga residente na samantalahin ang libreng swab test

Hinikayat ngayon ng Muntinlupa City government na huwag ng magpatumpik-tumpik pa at agad nang sumalang ang mga residente sa kanilang libreng COVID-19 swab test.

Ayon kay Muntinlupa City Public Information Officer Tess Navarro, sa mga nais na mag-avail ng free COVID-19 testing ay maaaring magtungo sa Muntinlupa Sports Complex sa Barangay Tunasan sa naturang lungsod.

Paliwanag ni Navarro, mayroong kakayahan ang swabbing center na makapag-swab ng 500 na bilang ng indibidwal sa bawat araw na sinisimulan tuwing alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments