Muntinlupa City Government, kinukunsidera na rin ang pakiusap ng NTC na payagan ang telco team pumasok sa kanilang lugar para maisa-ayos ang internet connections

Ikinukunsidera na rin ng Muntinlupa City Government ang pakikipagtulungan sa apela ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Local Government Units (LGUs) at homeowners associations (HOA) na ikunsidera ang pagpasok ng telecommunications personnel sa kani-kanilang nasasakupan para maisaayos ang internet connection sa harap nang pagdami ng mga gumagamit ng internet ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) period ang Pilipinas.

Ito ay matapos ipaliwanag ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na mahalaga ang connectivity ngayon para sa mga Filipino para makabangon sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ngayong nasa ika-limang linggo na, ay sabay naman ang pagdami ng mga negosyo na napililitang pairalin ang work-from-home arrangements tulad ng Business Processes Outsourcing (BPO) industry, na siyang nanatiling sandigan ng ekonomiya ng bansa at pangunahing nagbibigay trabaho sa maraming Filipino.


Ginawa ni Cordoba ang apela matapos makatanggap ng sumbong ang NTC mula sa iba’t-ibang telcos na pinagbabawalan ng mga tauhan ng LGUs na makapasok ang kanilang technical field personnel na nakatoka sa repair work sa kanilang fixed broadband access cabinets sa gated villages dahil sa umiiral na community quarantine.

Matatandaan na simula pa laman nang pairalin ang ECQ ay nilinaw na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the COVID-19 Pandemic na exempted ang mga tauhan ng telecommunication companies sa quarantine para matiyak na maayos na tumatakbo ang serbisyo ng mga telco tulad ng voice calls, text at data services.

Facebook Comments