Muntinlupa City Health Office, nakatakdang magsagawa ng pagsasanay sa magtuturok ng bakuna laban sa COVID-19

Inihayag ni Muntinlupa City Health Officer Dra. Teresa Tuliao na natakda silang magsagawa ng pagsasanay sa kanilang mga tauhan para operational logistics at vaccine administration ng bakuna kontra COVID-19.

Ito’y matapos na lumagda ng tripartite agreement ang pamahalaang lungsod at nasyonal na pamahalaan sa AstraZeneca bilang pagtitiyak na makakakuha ito ng bakuna para sa naturang sakit.

Kabilang din aniya sa pagsasanay ay ang vaccine storage at handling practices.


Dahil dito, nakipag-ugnayan na siya mga local storage rental facilities sa lungsod para sa cold chain management ng mga bakuna.

Isa pa na papaigtingin ng pamahalaang lungsod sa papamagitan ng Muntinlupa City Health Office ay ang information o awareness campaign tungkol sa bakuna upang mabawasan ang mga pangamba o pagaalinlangan ng publiko ukol nasabing bakuna.

Facebook Comments