Umalma ang Muntinlupa City Council sa panibagong pagsasara ng iba pang kalsada sa New Bilibid Prisons (NBP) area sa Muntinlupa City
Agad ding nagpasa ang city council ng resolusyon laban sa pagsasara ng isa pang kalsada sa loob ng NBP Reservation sa Muntinlupa City.
Nanawagan din ang konseho sa Kongreso na imbestigahan ang legalidad ng naturang pagsasara lalo nat malaking dagok ito sa mga residente ng lungsod.
Partikular na umaalma ang Muntinlupa City Government sa pagtatayo ng apat na talampakang pader sa tabi ng Type B sa quarry area malapit sa main gate ng NBP.
Iginiit din ng Muntinlupa City Council na mali ang interpretasyon ng Bureau of Corrections (BucCor), sa BuCor Act of 2013 o BuCor Modernization Law na naging batayan sa pagsasara ng kalsada.
Una na ring kinondena ng Muntinlupa LGU ang pagtatayo ng BuCor ng konkretong pader sa kahabaan ng Insular road, na nagsisilbing daanan ng mga residente ng Southville 3 patungong bayan.