Muntinlupa City, nakapagtala ng 56% recovery rate ayon sa DOH

Inihayag ni Dr. Maria Teresa Tuliao, City Health Officer ng Muntinlupa City, na nasa 56.85% na ang kanilang recovery rate ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Aniya, ito ay batay sa tala ng Department of Health (DOH) noong May 16, 2020 kung saan ang Muntinlupa City ay isa sa may pinakamataas na recovery rate sa lahat ng Local Governments Units (LGUs) na sakop ng National Capital Region (NCR).

Ayon kay Tuliao, ito ay dahil sa pinaigting na mass testing at contact tracing na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.


Sa ngayon, may ipinatutupad ang Muntinlupa City na express mass testing at Polymerase Chain Reaction (PCR) test sa mga residente nito na may sintomas ng COVID-19.

Batay sa pinakabagong tala ng City Health Office (CHO) ay mayroon ng 198 na kaso ng COVID-19, 28 rito ay nasawi at 114 naman ang recoveries.

Nasa 12 naman ang suspected cases at 192 ang probable cases sa lungsod.

Facebook Comments