Muntinlupa City – Nagliwanag na ang mga ilaw na nagsisilbing tanda ng pagsisimula ng kapaskohan sa Muntinlupa City.
Ilang minuto lang ang nakakaraan, pinangunahan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang taunang light a Christmas tree ceremony.
Sa kanyang mensahe ngayong taon, ipakikita ng pagdiriwang na ito sa buong mundo ang pagkakaisa ng mga muntinlupeño tungo sa maunlad pang lungsod.
Itinampok sa pagdiriwang na ito ang mga awiting pamasko na inawit ng grupo munsci voices, ang grupong nagwagi sa ginanap na inter-school chorale competition ngayong taon.
Matapos pailawan ang higanteng Christmas tree, umulan ng mga regalong kendi at laruan sa mga mumunting paslit na dumalo sa pagdiriwang.
Dumalo din sa pagdiriwang ang lahat ng mga department heads ng pamahalaang panglunsod na masayang naghiyawan matapos ianunsiyo ni ng akalde namatatanggap nila ang kanilang mga bonus.
Samantala, bida ang mga batang dumalo sa nasabing pagdiriwang dahil na rin sa idinaraos ngayon na National Children’s Month kung saan, nakatakdang maghatid bukas ng hapon si mayor fresnedi ng kanyang state of the children’s address. *(RadyoMaN Ronnie Ramos)*