Muntinlupa court, nanindigan sa pagbasura sa huling drug case ni ex-Sen de Lima

Pinagtibay ng Muntinlupa RTC Branch 206 ang pagbasura nito sa ikatlo at huling drug case ni dating Senador Leila de Lima.

Principle of double jeopardy ang naging rason ng korte sa pagbasura nito sa apela ng prosekusyon na baliktarin ang naging acquittal ng hukuman sa dating senadora.

Ayon kay Presiding Judge Gener Gito, ang pagbasura sa kaso ni De Lima sa pamamagitan ng demurrer to evidence ay katumbas ng acquittal.


Maaari lamang aniyang mabaliktad ang desisyon ng korte kapag nagkaroon ng grave abuse of discretion pero sa pagkakataong ito ay tahimik naman ang prosecution.

Facebook Comments