Muntinlupa LGU, magbibigay ng P100-K pabuya sa makakapagturo sa pumaslang ng traffic enforcer ng lungsod

Inihayag ng tagapagsalita ng Muntinlupa City Government na si Tes Navaro na magbibigay ng P100,000 ang pamahalaang lungsod kung sino man ang makakapagturo sa kinaruruonan ng suspek na bumaril at pumatay sa isang traffic enforcer ng lungsod.

Ayon kay Navarro, ipinag-utos ito ng alkalde ng lungsod na si Mayor Jaime Fresnedi.

Aniya, nakikipagpulong na ang alkalde sa mga pulis ng Muntinlupa upang mapabilis ang pagkaaresto ng suspek.


Kinokondena aniya ng pamahalaang lungsod ang nangyari sa pagpatay ng miyembro ng kanilang taffic enforcement.

Pasado alas-7:30 kagabi ng paslangin si Daniel Manalo habang nasa duty ng hindi pa nakikilalang suspek.

Si Manalo ay kasalukuyang nagsisilbing bilang supervisor ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB).

Tiniyak ni Navarro na bibigayan naman ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang mga naulila ni Manalo.

Facebook Comments