Wednesday, February 18, 2026

Muntinlupa LGU, mahigpit nang ipatutupad ang Anti-Epal Ordinance kasunod ng direktiba ng DILG

Ipinag-utos na ng pamahalaan ng Lungsod ng Muntinlupa ang pagtanggal ng mga pangalan at larawan sa mga sasakyan at gusali ng lungsod.

Kasunod na rin ito ng pagpasa ng City Ordinance No. 2025-004 o Anti-Epal Ordinance.

Pinirmahan ni Mayor Ruffy Biazon, matapos maipasa ng Sangguniang Panlungsod.

Si Biazon mismo ang humiling sa Konseho na maipasa ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansa.

Binigyang diin ni Biazon na hindi dapat ginagawang personal promotion ang serbisyo, para sa bayan at bawal din ang “epal” dahil ang dapat ay angat ang mamamayan.

Kamakailan, naglabas din ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa agarang pag-alis ng pangalan, imahe, at pagkakahawig ng mga opisyal sa lahat ng pondong proyekto at ari-arian ng gobyerno.

Facebook Comments