Ginawaran ng walong award ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa mula sa katataps palang na 2021 Gawad Parangal sa Nutrisyon ng National Nutrition Council (NNC).
Iyon ay bilang pagkilala sa mga proyekto ng lungsod kaugnay sa nutrisyon.
Si Mayor Jaime Fresnedi ang tumanggap ng mga award.
Isa na dito ang Green Banner Seal of Compliance Award, ang highest citation na ibigay ng NNC sa mga Local Government Units (LGU).
Maliban dito, ginawaran din ang Muntinlupa bilang Best1 LGU in Nutrition Governance, Best LGU in the Implementation of National Dietary Supplementation Program, Best LGU in the Implementation of Nutrition in Emergencies Program, Best LGU in the Implementation of Nutrition Promotion for Behavior Change Program, at Best LGU in Documentation of Nutrition Programs.
Ayon sa NNC bumaba ang perosyento ng mga underweight na mga bata sa Muntinlupa sa loob ng anim na taon.
Noong 2014 nasa 5.1% ang persyento ng underweight children sa lungsod pero noong 2020 bumababa ito sa .87%.
Bumuti rin ang kaso ng pagkabansot ng mga bata mula 14.7% noong 2014 bumababa rin ito sa 1.12% noong nakaraang taon.