Muntinlupa LGU, nanawagan na mga transport group sa lungsod na higpitan ang pagpapatupad ng health protocols

Nakiusap ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa mga transport group na nag-o-operate sa lungsod na higpitan ang pagpapatupad ng heath protocols upang hindi na kumalat pa ang virus.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, nais ng lungsod na maging katuwang nito ang transport group sa pagtugon nito laban sa COVID-19.

Kaya naman sa pakikipagpulong nito kahapon sa mga driver at operation ng public transportation sa lungsod, sinabi nito na sitahin nila ang kanilang mga pasehero na hindi nagsusuot ng face mask o face shield ng maayos.


Ipinag-utos din ni Fresnedi sa Muntinlupa Traffic and Management Bureau na tiyakin na nasusunod nag mga health protocol sa pampublikong sasakyan, kasama na ang mga terminal sa lungsod.

Facebook Comments