Muntinlupa LGU, papalakasin pa ang kampanya kontra sa mga paputok

Mas papalakasin pa ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang kampanya nito sa pagbabawal ng paputok ngayong Pasko at sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nais ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi na mapanatili ang zero casualty kaugnay sa mga paputok ng dahil sa pagdiriwang nng Pasko at Bagong Taon.

Aniya, simula pa noong 2018 ay ipinatutupad ng ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang firecrackers ban tuwing Pasko at Bagong Taon, at naging matagumpay rin aniya ito noong 2019.


Kaya naman umaasa ang alkalde na magpapatuloy ito hanggang ngayong taon.

Kabilang sa ipinagbabawal ang firecrackers and pyrotechnic devices, open pipe mufflers at iba pang mga sariling gawang mga paputok.

Iginiit niya na ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus bunsod ng mass o social gathering.

Magmumulta ng P1,000 hanggang P5,000 ang sinumang mahuhuli na lalabag nito at magiging katuwang nito aniya ang lokal na pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang mga kawani ng pulis sa lungsod.

Facebook Comments