
Patuloy na nag-iikot ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa para ihatid ang tulong sa mga residenteng apektado ng matinding pagbaha.
Ito’y dulot pa rin ng habagat at sunod-sunod na bagyo.
Katuwang ang bawat department ng City Government sa pamamahagi ng bigas sa mga barangay na lubog pa sa tubig.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa evacuation centers ang ilang pamilya.
Bukod sa food packs at hygiene kits, namahagi rin ang City Health Office-Muntinlupa ng libreng gamot gaya ng doxycycline para makaiwas sa leptospirosis.
Matatandaang idineklara ang state of calamity sa Muntinlupa noong July 26 bilang tugon sa patuloy na epekto ng kalamidad.
Facebook Comments









