Muntinlupa LGU, pinag-iingat ang mga residente sa banta ng Leptospirosis ngayon tag-ulan

Nagpaalala muli ang pamunuan ng Muntinlupa City government sa mga residente ng lungsod na panatilihing mag-ingat sa banta ng Leptospirosis ngayong madalas ang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan na nagresulta ng pagbaha.

Ayon kay City Health Office Chief Dr. Juanco Bunyi, dapat mag-ingat ang mga residente at huwag basta’t lunusong sa mga baha lalo na kung mayroon silang mga sugat sa paa para maiwasan ang sakit na maaring magdulot ng komplikasyon o posibleng ikamatay dahil sa Leptospirosis.

Nakiusap si Bunyi sa mga magulang na huwag pabayaan ang kanilang mga anak na maligo at magtampisaw sa bahay at kung sakali man na hindi maiwasang lumusong dapat tiyakin na mayroong proteksyo gaya ng pagsusuot ng bota o kaya’y lagyan ng plastik ang paa.


Facebook Comments