Muntinlupa Mayor Fresnedi, kabilang sa mga senior citizen na babakunahan kontra COVID-19

Inihayag ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi na nagpalista na siya para sa COVID-19 vaccination program ng lungsod.

Ayon kay Mayor Fresnedi, nakabilang siya sa group A of 2 ng priority group para sa COVID-19 vaccine, ang grupong kinabibilangan ng mga senior citizen.

Aniya, 70 years old na siya kaya napagdesisyunan niyang magparehistro sa ilalim ng senior citizen group upang matiyak na walang siyang malalabag na kautusan kaugnay sa vaccination program ng pamahalaan.


Pero dahil Sinovac lang ang available na bakuna, maghihintay pa siya sa pagdataing ng AstraZeneca dahil ito aniya ang bakunang nais niyang iturok sa kanya.

Facebook Comments