Ikinagulat ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang pagdala ng 18 preso na positive ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa New Bilibid Prison o NBP kahapon.
Ayon kay Mayor Fresnedi, hindi man lang daw sila inabisuhan na Bureau of Correction o BuCor na ililipat pala ang 18 sa preso na infected ng virus mula sa Correctional Institute for Women o CIW sa Mandaluyong papuntang NBP.
Isa, aniya, itong pangbabastos na Pamahalaang lokal ng Muntinlupa.
Pero iginiit niya na hindi sila galit sa 18 na preso, kundi sa ginawang hindi pagpaalam o pag-abiso sa lokal na gobyerno ng Muntinlupa ukol dito.
Aniya, dahil ang NBP ay nasa loob ng Muntinlupa, makakadagdag pa ito sa bilang ng lungsod ng mga confirmed cases ng COVID-19.
Kung siya, aniya, ang masusunod, alisin muli ang mga inilipat na preso sa NBP at ibalik na lang ito sa CIW.