Hiniling ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) na dagdagan ang alokasyon ng COVID-19 vaccine sa kanilang lungsod.
Matapos niyang makita na mas marami ang nagparehistro sa kanilang COVID-19 vaccination program kumpara sa available na bakuna laban sa naturang sakit.
Kahapon, binisita ng mga opisyal ng DOH-NCR ang lungsod ng Muntinlupa upang i-check ang kanilang pagpapatupad ng COVID-19 vaccination program.
Aniya, pinag-usapan din ang vaccination plan ng national government at status ng pagbili ng pamahalaan ng nasabing bakuna.
Iniulat din ni Fresnedi sa mga opisyal ng DOH-NCR ang COVID-19 vaccination status ng lungsod at ang local COVID-19 situation kasama na ang healthcare capacity status at update sa kanilang isolation facilities.
Batay sa datos ng Muntinlupa City Health Office, mayroon ng 15,151 individuals ang nabakunahan na na kabilang sa priority group A1, A2, at A3 o mga medical frontlines, senior citizen, at persons with comorbidity.