Sinampahan ng patong patong na kaso sa office of the Ombudsman si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi dahil sa umano ay pagbili ng overpriced na lupain.
Mga kasong Plunder, Graft, Malversation, paglabag sa Ethical Standards, Procurement Act at mga kasong Administratibo ang inihain ng mga complainant na sina Renato So, Leonilo Santos at Al-Aldain Bejosano laban sa Alkalde.
Batay sa reklamo, ginamit umano ni Fresnedi ang kaniyang kapangyarihan nito upang mabili ang ilang lupain na sinasabing overpriced.
Nadehado umano ang lokal na pamahalaan sa pinasok na transaksyon nang walang kaukulang basbas mula sa Konseho.
Natuklasan lamang umano ito ng humingi ng pagpapalawig ng tatlong buwan sa kontratang pinasok ng pamahalaang Lungsod sa 5 Negosyo na pawang pagmamay-ari o di kaya’y kabahagi umano ang Alkalde.