Inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na bukas na sa publiko ang Molecular Laboratory at Isolation Facility, matapos isagawa ang inagurasyon nito kasabay ng pagdiriwang ng lungsod ng ika-103rd Founding Anniversary.
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, naging operational ang Muntinlupa City Molecular Laboratory matapos pumasa ito sa accreditation ng Department of Health (DOH).
Ang nasabing bagong COVD-19 facility ng lungsod ay makikita sa may parking area ng Filinvest, Alabang na mayroong 148 beds.
Nagkakahalaga naman ng 3,800 pesos ang bawat test sa nasabing laboratory pero ‘No Balance Billing’ scheme para sa mahihirap na residente ng lungsod at may discount naman para sa mga miyembro ng PhilHealth.
Bukas ang Molecular Laboratory at Isolation Facility ng Muntinlupa mula Lunes hanggang Biyernes ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.