Nakapagtala ng tatlong biktima ng paputok ang lungsod ng Muntinlupa na dinala sa magkakahiwalay na hospital.
Kinilala ang mga biktima na sina Richard Bultron na naputukan ng kwitis at nagtamo ng ilang sugat sa bahagi ng katawan, si Joel Sabilao na naputukan ng hindi malaman na uri ng paputok sa kanyang kaliwang binti at agad namang naisugod ang dalawang biktima sa Ospital ng Muntinlupa (OSMUN) at si Emmanuel Sarewas na naputukan naman sa bahagi ng binti ng paputok na “Pastillas” na dinala naman sa Medical Center Muntinlupa (MCM).
Nabigyan naman ng paunang lunas ang mga biktima ng paputok sa parehong ospital at nagsagawa lamang ng x-ray, anti-tetanus vaccination at pinauwi na ang mga biktima.
Ayon sa mga triage nurse ng Ospital ng Muntinlupa at Medical Center Muntinlupa, kakaunti lamang ang mga naisugod na firecracker-related injuries sa mga nasabing ospital ngayong taon.