Manila, Philippines – Nais ni Senadora Leila De Lima na mag-inhibit sa paghawak ng kanyang kaso si Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Guerrero.
Ito ay dahil umano sa lack of independence, cold neutrality at impartiality ng abogado.
Ipinagpaliban naman ang pagbasa ng sakdal laban sa senadora kaugnay ng kaso niyang paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ito ay makaraang umapela si De Lima sa korte dahil sa nakabinbin pa niyang mosyon kaugnay ng pagkwestyon niya sa ipinalabas na mandamyento de aresto ni Judge Guerrero.
Sa halip, itinakda ang arraignment sa January 24, 2018.
Samantala, sa amended information na isinumite ng DOJ sa Muntinlupa RTC, inalis na bilang co-accused ni De Lima si dating Bureau of Corrections Officer-In-Charge Rafael Ragos at tanging si Ronnie Dayan na lamang na dati umano nitong kasintahan at bodyguard driver ang kasama sa charge sheet.
Ayon sa DOJ, itinuturing na nila ngayon si Ragos bilang isang testigo.
Binibigyan naman ang senadora ng sampung araw para magkomento sa motion for amended information na isinumite ng DOJ.