MUP Pension Reform Bill, plantsado at aprubado na sa House Ad Hoc Committee

May inaprubahan ng bersyon ng Pension Fund Reform Bill para sa Millitary and Uniformed Personnel o MUP ang Ad Hoc committee na pinamumunuan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

Sa napagkasunduan at inaprubahang bersyon ng panukala, ginagarantiyahan ang 3% na salary increase ng mga MUP sa susunod na sampung taon habang itinaas naman sa 57 ang kanilang retirement age.

Nakapaloob din sa panukala ang indexation na katumbas ng 50% ng kanilang comparable rank at ang pagkakaroon ng lump sum para sa mga Philippine National Police (PNP) personnel na mas mababa sa 20 taon nagserbisyo.


Magkakaroon naman ng magkahiwalay na trust fund para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at non-AFP-MUP pati na ang sub-fund para sa mga indigent o disadvantage MUP sa ilalim ng trust fund.

Iniaatas din ng panukala ang kontribusyon ng MUP na 5% sa unang tatlong taon at tataas sa 7% at 9% matapos ang tatlong taon, ang government share naman ay magiging 16%, 14% at 12% habang ang mga bagong pasok sa serbisyo ay 9% agad ang magiging kontribusyon.

Facebook Comments