Mura at de-kalidad na flower arrangement, patok ngayong Valentine’s month

32

Isa sa pinakapatok na negosyo ngayong Valentine’s month ang pagbebenta ng bulaklak.

Sa segment na ‘Business as Usual’ sa Usapang Trabaho ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, ibinahagi ni Calderon Leinidez, may-ari ng Forever Blooms, ilang araw bago ang Valentine’s Day, dagsa na ang mga order sa kanila mapa-online at sa kanilang physical store.


Sa halagang P500, tiniyak ni Calderon na kikiligin na ang inyong mga Valentine’s date sa regalong bulaklak.

Binabalik-balikan din daw ang kaniyang negosyo ng mga loyal customers dahil sa mura at de kalidad na mga produkto.

Kwento pa ni Calderon, isa ang negosyo niya sa naapektuhan ng pandemya lalo na’t Enero 2020 lamang siya nagsimula.

Dahil dito, bumagsak ang kaniyang benta noong Araw ng mga Patay na isa sa pinakamabentang okasyon para sa kaniyang negosyo pero unti-unti na rin siyang nakabawi pagdating ng Pasko at Bagong Taon.




Pinasok na rin ng Forever Blooms ang wedding industry kung saan nag-aalok na rin sila ang aisle flower arrangement at wedding entourage.

Facebook Comments