
Dumagsa ang mga tao na galing pa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang pumila at bumili ng murang bigas sa halagang P20 bawat kilo sa Kadiwa Store ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.
Karamihan sa mga bumibili ay pawang mga senior citizen at bihira lamang ang bumibili na mga persons with disability (PWD), miyembro ng 4Ps, at mga buntis na siyang pinapayagan lamang na makabili ng murang bigas.
Ayon kay Consuelo Solis, 75 taong gulang, galing pa sa Luzon Avenue, at ay sinadya lamang niyang pumunta sa Kadiwa Store para bumili ng P20 na kilong bigas dahil abot-kaya ng kanyang budget.
Paliwanag pa ni Solis na hindi bali umanong malayo ang kanyang pagbibilhan ng murang bigas makatipid lamang ng kanyang budget.
Panawagan pa ni Nanay Solis kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sana ay tuloy-tuloy na ang pagbebenta ng murang bigas sa mga Kadiwa Store.









