MURANG BIGAS PARA SA MGA VULNERABLE GROUPS, INILUNSAD SA BAYAN NG SAN MANUEL

Cauayan City – Inilunsad kahapon ika-19 ng Setyembre ang programang Murang Bigas mula kay BBM o Bagong Bayaning Magsasaka sa bayan ng San Manuel, Isabela.

Tampok sa programang ito ang pagbebenta ng bigas na nagkakahalaga ng P29 ang kada kilo.

Gayunpaman, limitado lamang para sa mga miyembro ng 4P’s, PWD, Solo Parents, at Senior Citizens ang nabanggit na programa kung saan bawat isa ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas.


Samantala, ngayong ika-20 ng Setyembre ang huling araw ng pagbebenta ng bigas kaya naman inaanyahan ang lahat ng kabilang sa nabanggit na sektor na magtungo sa Brgy. District 1, San Manuel, Isabela, upang samantalahin na bumili ng murang bigas.

Facebook Comments