Murang bigas sa Kadiwa store sa Quezon City, dinumog

Ikinatuwa ng mga residente ng Quezon City ang pagkakaroon ng Kadiwa Store sa lungsod at ang pagkakaroon nito ng napakamurang bilihin.

Hiling ng mga residente na palawigin pa ang paglalayag ng Kadiwa Store sa ibang lugar para mas accessible sa mga mahihirap na mamamayan.

Sabi ni Aling Nene ng San Mateo, Rizal, malaking bagay sa tulad niya na mayroong apat na anak ang makabili ng ₱29 na kada kilo ng bigas.


Ikinatuwa rin ng mga nakapila rito ang ₱180 kada kilo ng luya.

Halos kalahati na aniya ang kanilang natitipid kumpara sa umaabot sa ₱300 kada kilo ng luya sa ibang mga palengke sa Metro Manila.

Una nang inatasan ni Pangulong Marcos ang iba’t ibang ahensya partikular na ang DA na alalayan ang publiko sa gitna ng pagsusumikap nito na mapabuti ang ekonomiya ng ating bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas Program.

Facebook Comments