Muling makabibili ang mga mamamayan ng Baguio at Benguet gayun din ang mga karatig lalawigan ng basic commodities, appliances, gadgets, at iba pa sa discounted prices sa Diskwento Caravan.
Ang tatlong araw na “Diskwento Caravan” na inorganisa ng Department of Trade and Industry provincial office (DTI-Benguet) ay gaganapin sa Baguio Athletic Bowl mula November 16 hanggang 18.
Ang Diskwento Caravan ay lalahukan ng isang daang exhibitors, kung saan makakabili ang mga consumers ng mga pangunahing produkto sa mas mababang halaga dahil ang presyo nito ay direkta mula sa mga distributors at manufacturers.
Kaugnay nito, inaanyayahan ng DTI ang mga mamamayan sa Baguio at Benguet na samantalahin ang pagkakataon dahil malaking tulong ito sa bawat pamilya lalo na kung sapat lamang ang kanilang kinikita.
Ang “Diskwento Caravan” ay nag-iikot din sa mga calamity-stricken areas, noong October 24, ang caravan ay nasa Itogon, Benguet upang pagsilbihan ang mga biktima ng landslide sanhi ng bagyong Ompong.