Murang gamot, tiniyak ng 18 Pharmaceutical Companies

Nag-alok ang nasa 18 Multinational Pharmaceutical Companies ng murang halaga ng kanilang gamot.

Ito ay upang matulungan ang publiko sa makabawi mula sa mataas na gastusin pagdating sa healthcare.

Ayon kay Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) Executive Director Teodoro Padilla, maliban sa pagpapababa ng halaga ng gamot, naghahanap sila ng iba pang mga paraan para tulungan ang mga pasyente sa kanilang medical journey mula prevention patungong treatment hanggang sa cure.


Mayroon din silang Medical Assistance Programs (MAP) para tulungan ang mga pasyente mula diagnosis patungong treatment hanggang sa monitoring.

Tiniyak ng PHAP na ang mga miyembro nito ay handang tapyasin ang mga presyo ng gamot nito para sa Major Non-Communicable Diseases, Infectious Diseases at Rare Disorders.

Nakipag-ugnayan na rin ang PHAP sa Dept. of Health (DOH) hinggil dito.

Facebook Comments