Murang kuryente bill – lusot na sa bicameral conference committee

Inaprubahan na ng Bicameral Conference Committee ang Murang Kuryente Bill at inaasahan na mararatipikahan ito ng 2 kapulungan pagbalik ng session sa mayo.

 

Nakapaloob sa panukalang batas na sa loob ng 6 na taon, ay unti unting ipambabayad sa mga utang ng national power corporation ang share ng gobyerno sa kita ng malampaya gas project sa palawan na ngayon ay nasa 204 billion pesos na.

 

Ang nabanggit na utang ng napocor ay ipinapasa sa mga consumer bilang universal charges.


 

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng senate panel sa bicam, sa unang taon ng implementasyon ng batas, ay mababawasan ng 22 sentimo ang bayad sa kada kilowatrahe ng kuryente.

 

Sabi ni Gatchalian, makakatipid ng 44 pesos kada buwan ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatrahe kada buwan.

 

Dagdag pa ni Gacthalian, kapag natapos nang bayaran ang utang ng NAPOCOR ay magigng piso na ang mababawas sa bayad para sa bawat kilowatrahe ng kuryente.

Facebook Comments