Murang kuryente bill, malapit nang maging batas

Malapit nang maging batas ang murang kuryente bill.

Kapag ganap na itong batas bababa ng piso o higit pa ang bayad sa kada kilowatt hour sa Setyembre.

Sabi ni Senator Sherwin Gatchalian, ito ang mangyayari kapag naging batas ang naturang panukala.


Nabatid na approved na ang panukala sa Bicameral Conference Committee at pararatipikahan na rin ito sa Senado at Kamara sa susunod na linggo.

Kapag nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ay gagawa na rin kaagad ng Implementing Rules and Regulation o IRR para maipatupad na ang batas.

Sa ilalim pa ng panukala, unti-unting ipambabayad sa mga utang ng National Power Corporation o NPC ang 204 billion pesos na naipong halaga ng share ng gobyerno mula sa kita sa malampaya gas project sa Palawan.

Matatandaan na ang naturang utang ay ipinapasa ngayon sa mga consumer bilang universal charges na bahagi ng buwanang electric bill.

Facebook Comments