Murang RT-PCR test para sa mga lokal na turista, ipapatupad muli ng DOT

Muling ibabalik ng Department of Tourism (DOT) ang mas murang Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests para sa mga lokal na turista.

Kasunod ito ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force na makapunta ang mga turista mula NCR Plus sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, layon nito na mapalakas ang domestic tourism sa gitna ng pandemya.


Aniya, magkakahalaga lamang ng ₱950 ang RT-PCR test sa Philippine General Hospital sa Maynila at ₱750 sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

Maaaring mag-apply para sa mas murang COVID test sa website ng Tourism Promotions Board.

Kailangan din ng mga aplikante na magprisinta ng government ID, hotel bookings, at roundtrip tickets para sa mga may bookings na kailangang mag-eroplano.

Facebook Comments