Murang school supplies, mas tinatangkilik ng mga mamimili sa Divisoria, Maynila

Mas tinatangkilik ngayon ng mga mamimili ang mga murang school supplies at iba pang gamit sa may Divisoria.

Nabatid na mas mababa ang presyo ng mga ibinebentang gamit pang-eskwelahan kung ikukumpara sa mga malls at bookstore.

Ilan sa mga ito ay ang:
Notebook (1 bundle / 10 pcs.) ₱300 – ₱350
Lapis – (3 pcs.) ₱20
Ballpen – ₱5 – ₱10 kada isa
Color – ₱30 – ₱100
Pantasa – ₱10
Gunting – ₱50 – 90
Pad paper – ₱35 – ₱50
Glue – ₱50 – ₱70


Habang ang mga uniporme rin ay mabibili rin dito ng mas mura tulad ng:
Blouse – ₱150 – ₱200
Palda – ₱150 – ₱180
Polo – ₱150 – ₱200
Slacks – ₱170 – ₱230

Ayon sa mga ilang tindera dito, mas makakamura kapag maramihan ang pagbili kung saan posible naman daw tumaas ng bahagya ang presyo nito kapag malapit na ang pasukan sa mga paaralan.

Facebook Comments